Add parallel Print Page Options

Sinabi ko na sa inyo noon at aking ipinapaunang-sabi na parang ako ay naririyan sa inyo sa ikalawang pagkakataon. Ngayong wala ako riyan, sumusulat ako sa mga nagkasala noon at sa lahat. Sa pagpunta ko, hindi ko palalampasin ang mga nagkasala. Yaman ngang naghahanap kayo ng katibayan ng pagsasalita sa akin ni Cristo na para sa inyo ay hindi mahina kundi makapangyarihan sa inyo. Ito ay sapagkat kung sa kahinaan, siya ay ipinako sa krus, siya naman ay nabubuhay sa kapangyarihan ng Diyos. Ito ay sapagkat sa kaniya tayo ay totoong mahina, ngunit mabubuhay tayong kasama niya sa kapangyarihan ng Diyos sa inyo.

Read full chapter